
Sinimulan nang sukatan ng robe ang mga senador na tatayong huwes sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., nagbigay ng go signal si Senate President Chiz Escudero noong mga nakaraang linggo para kunin na ang sukat ng robe ng mga senador.
Kulay Maroon ulit ang gagamitin sa robe at pareho ang disenyo tulad sa nagdaang impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona.
Isa naman si Senator Alan Peter Cayetano sa nasukatan na para sa gagamiting robe ng mga senador.
Target ng impeachment court na simulan sa Hulyo 30 ang mismong trial o paglilitis laban kay VP Duterte.
Facebook Comments