Ipinagmalaki ni Senate President Tito Sotto III na ang hindi na pagtaas ng inflation rate o presyo ng mga bilihin ay nagpapakita ng bumubuting galaw ng ating ekonomiya.
kumpyansa naman si Senator JV Ejercito na bababa pa o kaya ay mananatili na lamang sa 4% ang inflation rate sa buong taon.
Bagama’t good news ay iginiit naman ni Senator Sonny Angara na dapat pang paigtingin ang mga hakbang laban sa magpasamantalang mga negosyante.
Ayon kay Angara, mahalaga din na pag-ibayuhin ang tulong sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura lalo’t ang mga mahihirap ang pangunahing umaaray kapat tumataas ang inflation rate.
Sa tingin naman ni Senator Gringo Honasan, hindi tayo dapat maging kampante dahil maraming aspeto at mga polisiya ang nakakaapekto sa inflation rate.
Tiwala naman si Senator Sherwin Gatchalian na sa pamumuno ni newly-appointed Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Ben Diokno ay mailalatag ang nararapat na adjustments para sa pagpapa-unlad ng ekonomiya.
Binigyang diin pa ni gatchalian na makakatulong sa pagpapababa sa inflation rate ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.