Mga senador, umalma sa resolusyon ng Kamara na inatake sila ng Senado

Pumalag ang mga senador sa inaprubahang resolusyon sa Kamara na sumusuporta kay Speaker Martin Romualdez.

Partikular na inalmahan ng mga mambabatas ang title ng resolusyon kung saan nakasaad din ang “Intense Assault coming from the Senate” o matinding pag-atake mula sa Senado.

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na isang insulto sa Senado ang nasabing resolusyon na ipinasa ng Kamara dahil wala namang pagatake na ginagawa ang mga senador kay Speaker Romualdez.


Ikinalungkot naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na inaakusahan sila ng Kamara ng mga bagay na sila rin naman ang gumagawa.

Bukod dito, mayroon pa aniyang whereas clause na nagsasabing walang malinaw na patutunguhan ang imbestigasyon ng Senado sa People’s Initiative at ito ay maituturing na unparliamentary conduct.

Para rin matahimik ang Kamara, sinabi ni Pimentel na maghahain na siya ng panukalang batas na bubuo sa Republic Act 6735 para magkaroon na ng sapat na basehan ang People’s Initiative.

Facebook Comments