Mga senador, umapela kay Pangulong Duterte na pumili ng magaling at karapat-dapat na kapalit ni Usec. Chavez

Manila, Philippines – Nanghinayang sina Senators Grace Poe, Sherwin Gatchalian at JV Ejercito kay Undersecretary Cesar Chavez na nagbitiw na ngayon sa Department of Transportation (DOTr).

Giit ng mga senador, alam na ni Chavez ang lahat ng problema sa Metro Rail Transit o MRT at may nailatag na itong mga hakbang para ito ay maresolba.

Bunsod nito ay umapela si Senator Poe kay Pangulong Duterte na pumili ng magaling at karapat-dapat na kapalit ni Chavez na kayang humanap ng solusyon sa problema sa operasyon ng MRT para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.


Duda rin si Poe na delicadeza lang talaga ang dahilan ng pagbibitiw ni Chavez.

Payo naman ni Senator Gatchalian sa DOTr humanap ng magaling na communicator na magpapaliwanag sa pulibko ukol sa mga hakbang at plano ng gobyerno para masolusyunan ang mga aberya sa MRT at masikip na daloy ng trapiko.

Si Senator Ejercito, inaasahan na ang posibilidad na magdulot ng delay at problema ang pag-alis ni Chavez.

Paliwanag ni Ejercito, maaring back to zero na naman para sa sinumang maitatalaga kapalit ni Chavez dahil kakailanganin pa nito ng sapat na panahon para pag aralan ang problema sa operasyon MRT.

Facebook Comments