16-game winning streak ng Boston Celtics, tinapos ng Miami Heat; Thunder, panalo rin kontra Warriors

NBA – Winakasan ng Miami ang pamamayagpag ng Boston matapos pataubin ng Heat ang bumibisitang Celtics 104-98 sa NBA.

Ito ang unang talo ng Boston sa nakaraang labing pitong laro para bumagsak ang record ng Celtics sa 16-3 win loss card. Umangat naman sa 8-9 slate ang Miami.

Samantala, tinalo naman ng Oklahoma City Thunder ang defending champion Golden State Warriors, 108-91.


Umiskor ng 34 points si reigning league MVP Russell Westbrook para pangunahan ang OKC habang may 24 naman si Stephen Curry para sa Golden State.

Facebook Comments