Mga senador, umapela sa mga may kinalaman sa hazing kay Castillo na sumuko at makipagtulungan sa imbestigasyon

Manila, Philippines – Nanawagan sina Senators Juan Miguel F. Zubiri ay Joel Villanueva sa iba pang sangkot o may kinalaman sa hazing at pagkamatay ng freshman law studeng na si Horacio Castillo na sumuko na rin at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ang apela ng mga senador ay makaraang sumuko kay Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang isa person of interest sa krimen na si John Paul Solano.

Giit ni Zubiri kay Solano, sabihin ang katotohan at ituwid ang mali maling impormasyon na nauna niyang ibinigay.


Si Senator Villanueva naman, ikinadismaya ang paglabas ng bansa ang iba pang hinihinalang sangkot sa hazing at pagkamatay ni Castillo.

Sa kabila nito ay hindi naman nawawalan ng pagasa si Senator Villanueva na gagawin ng University of Sto. Tomas para tumulong na mabigyan ng hustisya si Castillo.

Facebook Comments