Pag-amin ni P-Duterte na na peke ang isinawalat niyang bank account number ni Trillanes sa Amerika, may epekto sa kredibilidad nito – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Hindi inaalis ni Senator Panfilo Ping Lacson ang posibilidad na maapektuhan ang kredibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ginawa nitong pag amin na inimbento lang niya ang ilan sa mga bank account ni Senator Antonio Trillanes IV sa abroad.

Ayon kay Lacson, lalo nitong pinabigat ang hamon kay Pangulong Duterte na patunayan na mayroong totoo sa listahan ng umano’y mga bank accounts ng Senador.

Pero sa kabila nito ay nakikita naman ni Lacson na mukhang hindi natitinag ang mga supporters ni Pangulong Duterte.


Nagpahayag naman si Lacson ng paghanga kay Senator Trillanes dahil sa matinding determinasyon nito na patunayang hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya ng pangulo.

Ayon kay Lacson, nakapuntos si Trillanes ng personal nitong puntahan sa Singapore ang mga binibintang na bank accounts sa kanya at mapatunayang hindi totoo.

Paliwanag ni Lacson, malaking bagay na nagiba ni Trillanes ang 2 bank accounts sa abroad na ibinibintang sa kanya dahil hindi maiiwasan na pagdudahan na ang iba pang nasa listahan ng pangulo..

Facebook Comments