Makakatanggap pa din ng sweldo ang ilang mga senior citizen at Person With Disabilities o PWDs na nagta-trabaho sa mga food chain sa ilalim ng Jollibee Foods Corporations o JFC sa lungsod ng maynila.
Ito ay kahit pa hindi sila mag-report sa duty dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Mismong ang mga representative ng kumpaniya ang nagpadala ng mensahe sa Manila Public Employment Service Office (PESO) para iparating ito sa mga empleyado nilang mga senior citizen at PWDs.
Ang kanilang sweldo ay idadaan sa kani-kanilang atm cards kung saan isa itong paraan para hindi na mag-alala pa ang mga senior at pwd’s sa kanilang trabaho lalo na at umiiwas ang lahat para hindi na kumalat pa ang Coronaviris Disease o COVID-19.
Matatandaan na ang pagtanggap o pag-hire sa mga qualified senior citizen at PWDs ay bahagi ng program ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang mabigyan sila ng pagkakataon na magka-trabaho at kumita ng sarili nilang pera.