Mga senior citizen, healthcare workers at immunocompromised, hinikayat ni Legarda na magpaturok na ng 2nd booster dose

Hinikayat ni 3-term senator at house deputy speaker Loren Legarda ang mga senior citizen, healthcare workers at mga immunocompromised na magpabakuna na ng pangalawang booster shot.

Ito ay makaraang aprubahan na ng Food and Drug Administration ang pagbibigay ng ikalawang booster para sa mga nabanggit na sektor.

Ayon kay Legarda, naniniwala siyang malaking tulong ito upang maiwasan ang posibleng panibagong COVID-19 surge sa bansa.


Kasunod nito, isinusulong din ni Legarda ang pagkakaroon ng komprehensibong guidelines para sa lahat ng mga pampublikong lugar, mga opisina at mga paaralan hangga’t hindi pa natatapos ang pandemya.

Facebook Comments