Mga pasahero sa norte, may libreng sakay hanggang Cubao at PITX

Umarangkada na ngayong araw ang libreng sakay sa biyahe mula sa north Luzon Express Terminal (NLET) patungong Araneta Center Cubao at mula NLET patungong ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Bahagi pa rin ito ng Service Contracting Program ng pamahalaan na layong tulungan ang mga Public Utility Drivers at operators dahil sa mataas na presyo ng langis ang mga pangunahing bilihin.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), magsisimula ang biyahe sa mga nabanggit na ruta tuwing alas-1 ng madaling araw hanggang sa hatinggabi.


Inaasahang madadagdagan pa ang mga ruta ng libreng sakay sa mga susunod na araw.

Una nang naging libre ang pamasahe sa EDSA Busway Carousel mula alas-4 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi.

Facebook Comments