Maisasalang na sa plenaryo ang panukala na pagkalooban ng benepisyo ang mga senior citizens na kabilang sa ibang age group.
Ito ay matapos makalusot sa House Committee on Appropriations ang “substitute bill” na layong bigyan ng benepisyo na P1 million ang mga “octogenarian” o mga matatanda na edad 80-89 at “nonagenarian” o mga seniors na edad 90-99.
Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 10868 o “Centenarians Act of 2016” na batas na nagbibigay-pagkilala at nagkakaloob ng benepisyo sa mga Filipino centenarians o mga 100 taong gulang pataas.
Kapag naging ganap na batas ay makakatanggap na ng cash gift na P25,000 at “felicitation” mula sa presidente ang mga 80-99 years old.
Hindi naman gagalawin ang P100,000 na cash gift para sa mga 100 na taong gulang.