Mga senior citizen, pwede nang mag-dine-in sa mga restaurant simula bukas

Papayagan na sa mga restaurants at iba pang food establishment ang mga senior citizen simula bukas, June 15.

Kasabay ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa unti-unting pagbabalik ng mga dine-in services.

Pero ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo, bagama’t pinapayagan na sa mga dine-in restaurant ang mga senior citizen, hindi pa rin hinihikayat ang mga ito na lumabas dahil pa rin sa banta ng COVID-19.


Matatandaang sa ilalim ng IATF guidelines, bawal pa ring lumabas ng bahay ang mga senior citizen maliban na lamang kung para sa essential travel.

Muli namang nilinaw ng DTI na papairalin ang 30% limited capacity sa mga fast food chain o restaurant para maipatupad ang social distancing.

Facebook Comments