Mga senior citizens, pinagdodoble ingat sa COVID-19

Pinayuhan ni Senior Citizen Partylist Representative Francisco Datol Jr., ang mga senior citizens na magdoble ingat sa COVID-19 matapos maitala ang local transmission sa sakit.

Ang ika-lima na nagpositibo sa COVID-19 ay isang 62 anyos na lalaki sa San Juan City na mayroong sakit na hypertension at diabetes.

Paalala ni Datol sa mga kapwa senior citizens, paigtingin ang pagiingat at iwasan muna ang pagbyahe sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.


Karamihan aniya sa mga kumpirmadong kaso at mga patients under investigation sa COVID-19 ay pawang mga nakakatanda.

Pinayuhan ni Datol ang mga lolo at lola at mga kaanak na agad ipatingin ang mga matatanda sa pagamutan sakaling makakita ng sintomas ng virus.

Hiniling din ng kongresista sa mga barangay officials na alamin ang mga constituents na senior citizens at ang kanilang kondisyon.

Facebook Comments