3, arestado sa iligal na droga sa Las Pinas City

Kalaboso ang tatlong katao matapos silang mahulihan ng iligal na droga at mga drug paraphernalia sa Block 16, Lot 11 Everlasting Homes, Medina Compound, Barangay Talon 4, Las PiƱas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Henry Cruz, Christian Cruz at ginang na si Lani del Rosario.

Nabatid na ilang linggo din isinailalim sa surveillance ang tatlo kung saan bukod sa gumagamit ng iligal na droga, talamak din silang nagbebenta nito sa kanilang lugat maging sa kalapit na barangay.


Nakuha sa kanila ang tatlong sachet ng shabu na may bigat ng higit dalawang gramo at nagkakahalaga naman ng P14, 280.00 kasama na ang aluminum foil at mga lighter.

Aminado ang mga suspek na gumagamit ng iligal na droga pero todo tangging nagbebenta sila nito habang hindi naman masabi kung saan at kanino sila nakabili ng shabu.

Facebook Comments