Mga senior citizens sa Maynila, matatanggap na ang cash assistance mula sa lokal na pamahalaan

Matatanggap na ng mga senior citizens sa District 4 sa Maynila ang cash assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Ito ay matapos pirmahan ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno ang pondo para sa cash assistance ng mga lolo at lola.

Aabot sa kabuuang ₱71.688 million ang inilaang pondo para sa tulong-pinansiyal.


Bawat senior citizen ay makakatanggap ng ₱3,000 base sa pondong inilaan para sa buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo at Hunyo sa taong 2021.

Katumbas ang cash assistance na ito ang tig-₱500 kada buwan.

Facebook Comments