Deadline sa pagbabayad ng buwis sa Valenzuela, pinalawig

Pinalawig ng limang araw ang deadline ng pagbabayad ng buwis sa Valenzuela City tulad ng transfer tax at iba pang bayarin sa lokal na pamahalaan.

Ang hakbang ng Valenzuela Local Government Unit (LGU) ay bilang konsiderasyon sa umiiral ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magtatapos sa August 20.

Base sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, ang limang araw na extension ay magsisimula pagkatapos ng ECQ period.


Samantala, base sa huling impormasyon na inilabas ng Valenzuela LGU ay nasa 1,200 ang aktibong kaso ngayon sa lungsod.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Mayor Rex Gatchalian ang mga nasasakupan na huwag sayangin ang libreng bakuna laban sa COVID-19.

Kailangan lamang aniya na magparehistro sa #VCVax at hintayin ang tawag, appointment letter o text message na nagsasaad ng kanilang schedule ng bakuna.

Facebook Comments