Mga serbisyo bumuhos sa Anibersaryo ng Datu Abdullah Sangki

Dinagsa ng libo- libong mga residente ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao ang kanilang 4th Kagalawan Festival at 14th Founding Anniversary ng bayan.

Napuno rin ng pagbibigay serbisyo ang anibersaryo , kabilang na ang ginawang Medical Mission, pamamahagi ng wheel chairs, canes , crutches sa mga PWD at financial assistance sa mga senior citizens. Opisyal na ring binuksan sa publiko ang LandMark ng DAS.

Naging pangunahing bisita sa selebrasyon si SAP Bong Go kasama ang iba pang mga opisayles na kinabibilangan ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu, SK Congressman Teng Mangudadatu, Maguindanao Congresswoman Bai Sandra Sema, 6th ID CG MGen Cirilito Sobejana at Maguindanao PNP PD SSUPT Edwin Wagan.


Pinasaya pa ang okasyon ng mga celebrities na pinangunahan ni Gabby Conception at Philip Salvador.

Kaugnay nito pinasasalamatan ni Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang lahat ng mga nakisaya sa kanilang okasyon. Umaasa rin ang alklade na magtutuloy tuloy pa ang pag- asenso at kapayapaang natatamasa ng bayan.

PICS: DAS LGU




Facebook Comments