MGA SERBISYO NG LOKAL NA GOBYERNO, NAKAHANDA NA SA MGA DARATING NA KALAMIDAD

Baguio, Philippines – May nakahandang 6.3 Bilyong pondo ang Office of the Civil Defense Cordillera (OCD-CAR) sa mga darating na kalamidad sa mga susunod na buwan, at sa mga rehabilitasyon ng mga nasira ng mga nakaraang kalamidad.

Nakahanda na din ang mga relief supply at mga karagdagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) CAR para sa mga magiging apektadong pamilya at komunidad ng mga darating na sakuna kung saan mayroon nakahandang 13,538 na family foodpacks, 548 na hygiene kits, 53 tents, sleeping kits na 336 at 867 na family kits.

Nakahanda na din ang anim na warehouse ng DSWD sa buong rehiyon at nagpapatuloy naman ang kanilang koordinasyon sa Local Government Unit para sa mga karagdagang evacuation centers sa kani-kanilang lugar.


 Samantala, hinihintay naman ng ahensya ng OCD-CAR ang mga inspeksyon ng ilang mga lokal na gobyerno para sa mga posibleng matamaan ng kalamidad upang maabisuhan kaagad ang kanilang mga kababayan.

Facebook Comments