Remote signing sa Roll of Attorneys, iminungkahi ng IBP sa Korte Suprema

100

Ipinanukala ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema ang remote signing sa Roll of Attorneys ng mga bagong abogado na hindi makakabiyahe sa Supreme Court sa Maynila.

Sa liham ni IBP National President Atty. Domingo Egon Cayosa kay Chief Justice Diosdado Peralta, binanggit nito ang mga travel restriction at difficulties dahil sa pandemya gaya ng kawalan o limitadong biyahe ng mga barko at eroplano.


Iminungkahi ng IBP na payagan na humarap sa Executive Judge ng Regional Trial Court na malapit sa kanilang tirahan o sa presiding justice ng Court of Appeals sa Cebu o Cagayan De Oro para sa proper identification at remote signing ng mga bar passer na hindi makakapunta sa Korte Suprema mula sa kanilang mga probinsya.

Ayon pa sa IBP, pagkatapos ng remote signing ay pwedeng ipadala electronically ng Executive Judge o CA Presiding Justice sa bar confidant ang sertipikasyon at lagda ng bar passer.

Ang corresponding roll number ay pwedeng iisyu ng Office of the Bar Confidant at ipadala sa Executive Judge o CA Presiding Justice para magamit na ng bagong abogado ang kanyang roll number sa mga pleading.

Una nang itinakda ng Korte Suprema sa July 6, 2020 hanggang August 3, 2020 ang paglagda sa Roll of Attorneys ng mga pumasa sa 2019 Bar Exams sa division hearing room ng SC sa Maynila.



Facebook Comments