Manila, Philippines – Ligtas nang kainin ang nakukuhang shellfish sa karagatan ng Milagros Masbate.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), wala ng dapat ikabahala ang mga residente sa lugar dahil wala ng red tide toxin sa naturang karagatan.
Pero, nilinaw ng BFAR na ang mga shellfish sa Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal, at Coastal Water sa Daram Island sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigay Bay sa Leyte, Inner Malampaya Sound Taytay at Puerto Princesa City sa Palawan at Coastal Waters sa Mandaon sa Masbate ay hindi pa ligtas kainin, dahil sa positibo pa rin sa paralytic shellfish poison.
Dagdag ng BFAR, maaring kainin ang pusit, isda, hipon at crabs na galing sa mga naturang karagatan, tanggalin lamang ang hasang,hugasan mabuti at lutuin mabuti.