Mga sibilyang naapektuhan ng bakbakan sa Datu Paglas, pinagkalooban ng tulong ng Maguindanao Government

Agad na nagpaabot ng tulong ang Provincial Government ng Maguindanao sa pamamagitan ng Peoples Medical Team sa mga residenteng naapektuhan ng gulo sa Sitio Mopak, Barangay Poblacion Datu Paglas Maguindanao.

Mismong si Ms. Lynette Estandarte , Head ng Peoples Medical Team ang nanguna sa pagpapabot ng sako sakong food packs para sa mga residente ng Sitio Mopak. Abot naman sa 760 foodpacks ang napagkaloob ng mga ito.Kasama ng PGO Staff sa pagpapaabot ng ayuda ang mga kasundaluhan ng 33rd IB.

Ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga residente ay dahil na rin sa naging direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ayon pa kay Estandarte.


Matatandaang July 1 ng magsimulang magkatensyon sa lugar dahil sa presensya ng mga armadong ISIS Inspired Members na sinasabing nagbabalak na pasukin at kubkubin ang Datu Paglas Municipall Hall. Agad namang tumugon ang mga military resulta ng halos isang araw na bakbakan.

PMT Pic

Facebook Comments