HEAVY RAINFALL | 3 patay, 7 ang nawawala sa patuloy na pag-ulan sa Japan

Japan – Tatlo ang kumpirmadong patay habang pito ang napaulat na nawawala matapos maganap ang serye ng landslide at pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan sa Japan.

Sa forecast ng Japan Meteorological Agency, magtatagal pa hanggang Linggo ang pag-ulan kung saan agad silang nagbabala sa posibleng pagbaha, mudslides at pagtama ng kidlat.

Aabot naman sa 170,000 katao mula sa distrito ng Kansai at iba pang rehiyon ang nai-evacuate na.


Facebook Comments