Hindi lang mga Pulis at iba pang Law Enforcement Agencies ang target ng kampanya ng Phililppine National Police (PNP) na bawal na magpaputok ng baril ngayong pagsalubong ng bagong taon sa halip maging mga sibilyan.
Ayon kay PNP officer in charge Lt Gen Archie Francisco Gamboa, agad na kakanselahin ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Permit To Carry Firearms Residence o PTCFOR ng sinumang License gun Owner na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Aniya malaki ang mawawala sa mga Licensed Gun Owners kapag sila ay sumuway sa kautusan.
Dahil maliban sa kanselasyon ng kanilang LTOPF at PTCFOR ay mahaharap rin sila sa kaso.
Facebook Comments