Hindi muna papayagang maglayag ang mga S76A o Sikorsky aircraft ng Philippine Air Force matapos na bumagsak ang isa sa mga aircraft na ito sa Basilan kahapon na ikinasawi ng apat na sundalo.
Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Lt. Col. Aristedes Galang, tatlo ang Sikorsky aircraft ng Philippine Airforce pero dahil bumagsak kahapon ang isa, dalawa ngayon ang grounded.
Aniya, sasailalim ang mga ito sa maintenance inspection bilang bahagi ng standard procedure.
Sa ngayon, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang 505th search and rescue group “Angels” para matukoy ang totoong dahilan nang pagbagsak ng chopper.
Naidala na rin sa Zamboanga City ang labi ng apat na sundalo na sakay nang bumagsak na chopper.
Facebook Comments