Pushcart boy, arestado sa buy-bust operation sa Zamboanga City

31

Huli sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 5 ang isang pushcart boy sa dumpsite Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.


Kinilala itong si Salim Asmad, 20-anyos, nakatira sa Sitio Buguk Asinan, Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.

Sa ulat ni Police Regional Office 9 Spokesperson Captain Edwin Duco, na sa isinagawang buy-bust operation, nakuha sa suspek ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000 at marked money na P300.

Sa ngayon, inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa pa ng kaso sa suspek habang dinala na sa Zamboanga City Crime Lab ang mga nakumpiskang droga.

Facebook Comments