Aminado ang Department of Education na kulang na kulang parin ang mga paaralan sa bansa.
Sinabi ni Dep Ed Sec. Leanor Briones, patuloy ang pag taas ng bilang ng mga estudyante pero iilan iilan lamang ang naitatayong mga paaralan.
Problema aniya sa ngayon ang ispasyo lalo na sa lungsod kung saan maaring ipatayo ang mga paaralan.
Halimbawa nalang dito sa Metro Manila marami ng gusali at wala ng bakanteng lupa para ditto.
Balak ni Sec Briones na kausap ang LGUs para makahanap ng lokasyon sa pagtatayuan ng bagong paaralan at kung meron man, building na eskwelahan nalang ipapagawa dahil sa limitadong ispasyo.
Sa ngayon 61,916 ang eskwelahan sa buong bansa habang 27.2 milyong ang mga estudyante.
Facebook Comments