Mga sinasabi ni Senador Trillanes, puro kabalbalan – Malacañang

Manila, Philippines – Ayaw nang palakihin pa ng Palasyo ng MalacaƱang ang isa nanamang batikos ni Senador Antonio Trillanes IV sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong kasama ang kanyang common law wife na si Honeylet Avancena at anak na si Veronica Duterte.

Sinabi kasi ni Trillanes na nagpinta si Pangulong Duterte sa Hong Kong para magpacheck up o di naman kaya ay naglabas ng pera sa Bansa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hahayaan nalang nila si Trillanes na magsalita dahil puro kabalbalan lang naman ang sinasabi nito.


Paliwanag ni Panelo, nagpunta si Pangulong Duterte kasama ang mga mahal sa buhay sa Hong Kong dahil kaarawan ni Ms. Honeylet at hiniling ito ng kanyang anak.
Sinabi din ni Panelo na bihira lang naman magpahinga ang Pangulo sa trabaho at kaya Hong Kong lang ang pinuntahan ng Pangulo ay dahil malapit lang ito sa Pilipinas.

Wala din aniyang katotohanan na nagpa-checkup ang Pangulo dahil kung totoo nga ito ay maraming Pilipino sa Hong Kong ang makakakita sa Pangulo sa ospital.

Facebook Comments