Mga sindikato ng droga, napipilitan na umanong ilabas ang kanilang tira-tira at mahinang klase ng shabu dahil sa kakulangan ng suplay ayon sa PDEA

Dahil umano sa pinaigting na anti-drug operation ng gobyerno, napipilitan na umano ang mga drug syndicates na ilabas na ang kanilang mga tira-tira at mababang klase ng shabu sa merkado.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, bagama’t malalaking bulto ang nasasabat na droga sa nagdaang araw, ang mga ito ay mga low-quality, adulterated o fake shabu na naipapadala sa kanilang mga suppliers, distributors at pushers.

Aniya, dahil sa lumiliit na suplay o pinagkukunan ng illegal drugs, dumidiskarte ang sindikato kung paano mabawasan ang kanilang operation cost.


Ito umano ang dahilan kung bakit nagmamahal ang presyo ng shabu at iba pang illegal drugs dahil gusto pa ring kumita ng malaki ng mga sindikato.

Sa kasalukuyan ang price structure ng shabu ay naglalaro sa P6,000 hanggang P8,000 kada gramo.

Facebook Comments