Manila, Philippines – Nabawasan na ang mga sindikato ng iligal na droga na nag-ooperate sa bansa.
Ito ang ipinagmalaki ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa kanyang talumpati sa ika-116 taong anibersaryo ng police service sa Kampo Crame.
Aniya dahil sa maigting na operasyon ng PNP laban sa iligal na droga, umaabot na sa 500 bilyong piso ang lugi ng mga sindikato ng droga dahilan para mabawasan ang ang kanilang transaksyon sa bansa.
Aabot naman sa 85 589 kilo ng iligal na droga ang nakumpiska ng PNP simula July 1, 2016 hanggang June 30 ngayong taon.
Sa kabila nito, ikinalungkot naman ni PNP chief ang pagkasawi ng 65 pulis at pagkasugat ng 179 pulis.
Payo naman ni Dela Rosa sa mga pulis, na ipagpatuloy lamang ang pagtatrabaho at huwag aatras sa anumang laban lalo’t nangako ang Pangulong Rodrigo Duterte ng buong suporta sa PNP.