Mga sindikatong nagtatangkang magsamantala sa mga pasahero sa NAIA, mahigpit na binabantayan ng CAAP

Nakaalerto ngayon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals laban sa mga sindikatong nagtatangkang mambiktima sa mga dumarating na pasahero sa NAIA.

Partikular na nagmamanman ngayon sa NAIA terminals ang CAAP Airport Managers at ang CAAP Security and Intelligence Service (CSIS).

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at sa mga lokal na pamahalaan.


Binabantayan din ang ilang tauhan ng paliparan gayundin ang mga magnanakaw, illegal operation ng shuttle services, overpricing sa mga pamasahe sa airport taxi at sa hotel accommodation.

Facebook Comments