Mga sinehan sa Marikina, hindi muna magbubukas

Iginiit ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na hindi muna nila papayagan na mag-operate ang mga sinehan sa lungsod.

Ito ay sa kabila ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pwede na mag-operate simula ngayong araw ang mga sinehan, museum, driving school, library at tourist attraction tulad ng mga parke sa lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Dahil dito, sinabi ni Teodoro na ipatutupad naman nila ang general welfare clause ng local government code upang matiyak ang public health welfare.


Mungkahi niya na unahin muna ang pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa COVID-19 vaccine at pagbubukas ng mga paaralan dahil mas essential aniya ito ngayon.

Umaasa naman ang alkalde na magpupulong ang mga alkalde ng Metro Manila upang magkaroon sila ng unified stand ukol dito.

Batay sa record ng Marikina Government, mayroon silang anim na sinehan sa lungsod.

Facebook Comments