Mga sinibak na pulis dahil sa ilegal na gawain ang dapat tiktikan at hindi ang mga guro

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson ang mga pulis at militar na natanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa illegal na gawin, katiwalian at iba pang mga kalokohan ang dapat tiktikan ng pambansang pulisya.

Pahayag ito ni Lacson makaraang umalma ang mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers o ACT dahil sa pagsailalim sa kanila ng Philippine National Police o PNP sa profiling at surveillance.

Ayon kay Lacson, ang mahalagang bantayan ay ang mga aktibidad at lifestyle ng mga sinibak na pulis at sundalo.


Ipinaliwanag ni Lacson na maaring kahit wala na serbisyo ay magpatuloy ang mga ito sa kanilang mga ilegal na gawain.

Dagdag pa ni Lacson, ang pagbabantay sa mga sinibak na pulis at sundalo ay posibleng makatulong sa pagresolba o pagpigil sa mga krimen.

Facebook Comments