Sinuri ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang kondisyon ng ilang sirang kalsada sa Bonuan Boquig, kahapon.
Kabilang sa mga binisita ang Ayusip Road. at Lomboy St. kung saan pinuna ang ilang parte ng daan na butas-butas at may sira na delikado para sa mga dumaraan.
Ayon sa pahayag, matapos ang pagsusuri ay makikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang masolusyonan at magsagawa ng proper scaling.
Bukod dito, isa rin sa mga aayusin ang drainage system sa barangay upang tiyakin ang daluyan ng tubig.
Giit ng Pamahalaang Lungsod na uunahin ang pagpapagawa ng mga kalsada sa pagsusulong ng kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










