Mga SK chairman sa Maynila, tumulong sa paglilinis ng Manila North Cemetery

Manila, Philippines – Umaabot sa 896 na chairperson ng Sangguniang Kabataan o SK sa Maynila ang tumulong sa paglilinis sa Manila North Cemetery simula kahapon.

Ayon kay Manila Youth Development and Welfare Bureau head Alexander Layos II, saku-sakong mga basura ang kanilang nahakot sa Manila North Cemetery.

Sabi ni Layos, ang kanilang hakbang ay bilang pakikiisa sa polisiya ni Manila Mayor Isko Moreno na gawing palaging malinis at maayos ang bagong Maynila.


Samantala, patuloy pa rin ang mga nagtutungo ngayong araw dito sa Manila North Cemetery para bisitahin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Pero hindi hamak na kakaunti na lang bilang ng mga ito kumpara kahapon.

Simula hatinggabi hanggang alas kwatro ng madaling araw ay pumalo sa 500 katao ang nagpunta dito sa Manila North Cemetery at bandang alas sais ngayong umaga ay bumaba na ito sa 320 katao.

Ayon kay Manila Police District o MPD Director Police Brigadier General Bernabe Balba, mananatiling may naka-deploy na mga tauhan ng MPD sa loob at labas ng Manila North Cemetery.

Facebook Comments