
Sumugod sa harap ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang grupo ng mga small scale na mangingisda upang irehistro ang kanilang kahandaang protektahan ang kanilang exclusive rights sa mga municipal water.
Kasunod na rin ito ng desisyon ng Supreme Court na nagpapatibay sa court ruling na nagpapahintulot sa mga commercial fishing vessel na makapangisda sa mga commercial water.
Ayon sa grupo, natalo ang posisyon ng mga maliliit na mangingisda matapos umanong mabigong sumagot ang DA at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa division sa Korte Suprema na may hawak sa kaso.
Ayon sa grupong PAMALAKAYA, maaagawan ng mahuhuling isda ang mga small scale fisher kapag nabigyan ng preferretial access ang mga malalaking commercial operators sa 15-km municipal water.
Nagbanta ang PAMALAKAYA na magkakasa sila ng sunod-sunod na rally kung saan mas malaking grupo ang magsasama-sama upang ipaglaban ang kanilang kabuhayan.