Mga Snatchers, wala kayong puwang sa Cotabato City!- Mayor Cyn

“I will run after you, sana tumigil na po kayo!”. Ito ang naging babala ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa lahat ng mga snatchers na gumagala sa syudad .

Itoy matapos maitala ang magkakasunod na kaso ng snatching sa nakalipas na mga araw sa syudad na sinasabing riding in tandem criminals ang may kagagawan at kalimitan sa mga naging biktima ay mga istudyante.

Kaugnay nito muling pinaalalahanan ni City Mayor Sayadi ang mga ito na walang puwang sa Cotabato City ang mga nag- ooperate ng snatching, iginiit rin nito na hindi araw araw ay pasko para sa mga ito.


Samantala, agad namang nagsagawa ng agarang aksyon si Mayor Sayadi katuwang ang City PNP, CIDG at Joint Task Force Kutawato resulta ng pagkakaresto ng isa sa mga snatcher/hold upper kagabi.

Samantala, mariin na ring ipinag utos ni CD Rolly Octavio ang police visibility at surprise check point sa lahat ng sulok ng syudad. nanawagan rin ito sa publiko na maging maingat.

Maliban sa mga snatchers, walang tigil rin si City Mayor at City PNP sa pagtugis sa mga kriminal sa syudad kabilang na ang mga kawatan at mga sangkot sa pamamaril.
PiC: KARANCHO Cotabato

Facebook Comments