Tinanggap ng mga grupong Solo Parents, Person with Disabilities o PWDs, at ang Indigenous Peoples sa bayan ng San Nicolas ang kanilang payout na pinangunahan ng Public Employment Service Office o (PESO).
Ang Cash-for-Work Program ay isang program ng nasabing ahensya na may layong matulungan lalo na ang mga vulnerable sector, mga mamamayan higit nangangailangan sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera kapalit ang pagtatrabaho.
Nasa 370 pesos kada araw ang halagang natatanggap ng mga benepisyaryo depende sa bilang ng araw na pagtatrabaho.
Samantala, sa unang batch naman ng nasabing programa ay nasa higit isang daan o kabuuang bilang na 108 na mula sa iba’t ibang barangay sa nasabing munisipalidad ang tumanggap ng cash for work payout. |ifmnews
Facebook Comments