Mga sundalong maghahatid ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Pio Duran, Albay, inatake ng NPA; isa, sugatan

Inatake ng New People’s Army (NPA) ang mga sundalong maghahatid sana ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Pio Duran, Albay.

Ayon kay Philippine Army 9th Infantry Division (9ID) Spokesperson Maj. Frank Roldan, nasa 10 NPA ang umatake sa mga sundalo ng 49th Infantry Battalion sa Barangay Matanglad.

Tumagal aniya ang sagupaan ng 15 minuto kung saan nasugatan ang isang sundalo sa kaliwang hita matapos na tamaan ng anti-personnel mines.


Sinabi ni Roldan na target ng mga rebelde na kunin ang dalang relief goods ng mga sundalo na para sa mga residente.

Agad naman kinondena ng Philippine Army at tinawag na kaduwagan ang pag-atake ng NPA sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments