Mga staff at officials ng SSS, hiniling na ipagbawal na mag-invest at mag-trade ng stocks

Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel na pagbawalan ang mga staff at officials ng SSS na mag-invest at mag-trade ng stocks ng mismong ahensya.

Ayon kay Pimentel, ito ay para maiwasan ang conflict of interest sa mga opisyal ng SSS at para hindi na maulit ang kinasangkutang iregularidad ng apat na opisyal ng SSS na nag-trade ng sariling stocks gamit ang stockbroker ng pension fund.

Partikular na ipinagbabawal ni Pimentel na masangkot sa trade at investment ng stocks ang mga kawani at opisyal ng SSS equities division gayundin ang kanilang mga immediate superiors at pati pamilya.


Pinayuhan din nito ang SSS na gumamit ng mga accredited stockbrokers para lamang sa pagbili at pagbenta ng stocks at hindi para magbigay ng investment advice.

Iginiit din ni Pimentel na ibalik ng apat na SSS officials na sangkot sa stock-trading controversy ang nakuha sa stockbroker pension fund ng ahensya.

Facebook Comments