Mark Herras – proud boyfriend sa panalo ni Winwyn Marquez

Manila, Philippines – Proud boyfriend si Mark Herras matapos koronahang Reina Hispanoamericana 2017 ang kasintahan niyang si Winwyn Marquez.

Marami nga ang natuwa nang magpost ang aktor sa instagram kung saan todo ang pag-congratulate niya kay Winwyn.

Kwento ni Mark, bago ang coronation night, magkausap pa sila sa telepono ng beauty queen at paulit-ulit sa pagsasabing sana raw ay manalo siya at bulungan ni lord ang mga judges na siya ang piliin.


Payo naman niya, magdasal lang at laging maging positibo.

Posible naman daw mag-extend si Winwyn ng ilang araw sa Bolivia para mag-celebrate.

Facebook Comments