Mga stranded na pasahero sa Pier sa Maynila, nag-uunahan na makasakay sa unang bibiyaheng barko

Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga pasaherong stranded ngayon sa pantalan sa Maynila partikular sa North Port.

Ito ay dahil sa dumadating na rin ngayon sa pantalan ang mga pasaherong naka-schedule na bumiyahe ngayong araw.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, ilan sa mga pasahero sa pier ay December 23 pa stranded at nakikiusap sila sila sa shipping companies na mabigyan sila ng prayoridad sa mga unang pasasakayin sakaling gumanda na ang panahon


Dahil kasi sa bagyong Ursula, Hindi pa rin pinayagang pumalaot ang mga barko para maiwasan ang aberya sa laot.

Kinakapos narin sa budget ang ilang mga stranded na pasahero.

Ayon kay Capt. Balilo, magpapadala sila ng mga foodpacks sa North Port para makatulong sa mga stranded na pasahero.

Facebook Comments