Mga stranded passengers sa mga pantalan, patuloy na nababawasan

Manila, Philippines – Nasa 293 na mga pasahero na lamang ang nananatili ngayon sa mga pantalan sa bansa bunsod ng nagdaang bagyong Maring.

Base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, mula sa pantalan ng Camarines Sur nasa 43 mga pasahero na lamang ng stranded habang sa pantalan naman ng Southern Quezon ay nasa 250 na lamang ang mga stranded passengers.

Nasa 43 rolling cargoes at 3 vessels na lamang mula sa Southern Quezon ang nananatili sa mga pantalan habang pinayagan nang makapalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat mula sa Camarines Sur.


Facebook Comments