Mga stranded sa mga pantalan, nabawasan na

Umaabot na lamang sa 2,059 mga pasahero, drivers at cargo helper ang nananatiling stranded sa ilang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Odette.

Mula ito sa mga pantalan sa Bicol Region, Northeastern Mindanao, Eastern at Central Visayas.

Bukod dito, nasa 1,208 rolling cargoes, 42 vessels at isang motorbanca ang naitalang stranded din sa ngayon.


Nasa 163 vessels at 106 motorbancas naman ang hindi nakakabiyahe at pansamantalang nakikisilong sa ibang mga pantalan na hindi apektado ng bagyo.

Patuloy namang naka-monitor ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lagay ng panahon.

Facebook Comments