Pangulong Duterte, umapela sa Kongreso na gawing trust fund ang Coco Levy Fund

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na gumawa ng batas para gawin nang trust fund pabor sa mga magniniyog ang Coconut Levy Fund.

Ayon sa Pangulo, matagal nang inaasam ng 3.5 milyong coconut farmers na pakinabangan nila ang mahigit P100 bilyong pondo at ari-arian.

Pero hanggang ngayon ay wala pang malinaw na pinaggagamitan ito, lalo’t pinagtatalunan kung sino-sino ang mga may-ari nito sa hukuman.


Nanggaling ang Coconut Levy Fund sa 50 sentimos hanggang piso bawat kilo na inaani ng mga magniniyog.

Mababatid na ang Pilipinas ang isa sa mga pinakamalaking producer at exporter ng copra at langis ng niyog sa buong mundo.

Facebook Comments