Mga sugatang sundalo sa Maguindanao binigyang pagkilala ng 6th ID

Binigyan ng pagkilala ng pamunuan ng 6th Infantry Kampilan Division ang mga naging sugatang sundalo sa nangyaring magkakahiwalay na engkwentro kontra sa mga armadong grupo sa Maguindanao.
Mismong si 6th ID Commanding General Diosdado Carreon ang nagbigay ng Wounded Personnel Medal sa mga sugatang sina PFC Lyndon A Matias ng 57th Infantry Battalion na naging wounded sa nangyaring engkwentro sa Brgy.Talibadok, Datu Hoffer noong gabi ng Mayo 3 habang nagpapatupad ng security patrol , CAA Noli Martin na naging wounded sa Brgy Maitumaig Datu Unsay at CAA Nhor Guiaman na naging wounded sa Brgy. Salman Ampatuan .
Isinagawa ang aktibidad sa Camp Siongco Hospital kung saan nagpapagaling mga sugatang sundalo.
Pinasalamatan naman ni CG Carreon ang mga wounded personnel at hinangaan ang kagitingan para sa pagsisilbi sa bayan.
Kampilan Pic

Facebook Comments