DAHIL SA P500 NA BINIGAY NG LGU, MAGKAPATID NAGSAKSAKAN

25

Kalibo, Aklan- Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kanya mismong kapatid dahil lamang sa P500 kagabi sa Magdalena Village, New Buswang kalibo.
Ang suspek ay kinilala na si Modelo Jose Mirto Y. Sacarias, 47 anyos at ang biktima na si Michael John Metro Y. Sacarias, 35 anyos at kapwa residente ng naturang lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nanghingi umano ang lasing na suspek sa kanyang kapatid ng P500 at agad naman itong binigyan.
Makalipas ang ilang oras ay nanghingi ulit ito ng karagdagang P500 sa kanyang kapatid subalit wala na itong naibigay.
Nagkasagutan ang dalawa at bigla na lamang sinaksak ng dalawang beses ng suspek ang biktima at tinamaan ito sa kaliwang parte ng kanyang baywang.
Agad namang nagresponde ang MDRRMO at dinala sa ospital ang biktima.
Habang narekober naman ang kutsilyong ginamit sa pananaksak na may habang 9 pulgada.
Sa ngayon ay kulong ang suspek sa Kalibo MPS para sa karampatang disposisyon.
Napag alamang ang pera ng biktima ay mula pa sa cash assistance na pinamigay ng LGU kalibo.

Facebook Comments