Mga Sumukong DI, Dadaan sa Drug Test at CBRP

Luna,Isabela – Sasailalim sa Community Based Rehabilitation Program at magkakaroon ng drug testing kada anim na buwan ang mga susukong drug identified sa Oplan Tokhang ng PNP.

Ito ang naging paliwanag ni COP, Police Senior Inspector Reynaldo Viernes ng Luna, Isabela.

Layunin umano nito na masuri at mamonitor ang mga sumuko kung patuloy o humito na sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga ito.


Matatandaan na umabot na sa 75 mula sa kabuuang 96, ang nakapagtapos ng CBRP nitong nakaraang taon na karamihan ay dumaan sa naturang programa dahil sa paggamit ng droga.

Ayon kay Inspector Viernes, limang drug identified na lamang ang kanilang totokhangin mula sa kabuuang labindalawa sa mga susunod na araw sa bayan ng Luna matapos sumuko ng dalawa pang personalidad noong nakalipas na buwan ng Enero.

Sa kasalukuyan wala pa umanong barangay sa bayan ng Luna ang dumaan sa Barangay Drug Clearing o BDC dahil sa hindi pa nakukumpleto ng mga sumukong personalidad ang kanilang CBRP.

Facebook Comments