Manila, Philippines – Halos 100 na ang mga nagsisisukong miyembro at sub leader ng Abu Sayyaf simula noong buwan ng Enero.
Ayon kay Western Mindanao Command Lt. Gen Carlito Galvez, ito na ang pinakamaraming bilang ng bandido na sumuko sa batas sa loob lamang ng kalahating taon.
Naniniwala si Galvez na ang patuloy na opensiba ng militar sa Abu Sayyaf ang nagtulak sa mga terorista na sumuko.
Sa 96 na miyembro ng Abu Sayyaf na sumuko sa Western Mindanao, 54 ang galing sa Basilan, 19 sa Sulu, 21 sa Tawi-Tawi, at 2 sa Zamboanga City.
Pinakahuling sumuko noon Miyerkules ang 10 miyembro ng teroristang grupo at ang sub leader nito na si Ibrahim Malat Sulayman.
Kasabay nilang isinuko ang kanilang mga matataas na kalibre ng armas sa military.
Facebook Comments