Mga Sumukong Rebelde, Tumanggap ng Tulong Pinansyal

Cauayan City, Isabela- Tumanggap kamakailan ng P15.9 million financial assistance package ang 222 na sumukong rebelde sa Northern at Central Luzon.

Ito ay mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno.

Ayon kay Usec. Reynaldo B. Mapagu, Chairperson ng Task Force Balik-Loob, layunin ng kanyang grupo na muling ibalik sa kanayunan ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan.


Dagdag ni Usec. Mapagu, isang patunay ang programang ito na seryoso ang Northern Luzon Command (NOLCOM) na matalo ang mga komunistang terorista sa kanilang area of territory.

Ang financial assistance na natanggap ng mga sumukong rebelde sa ECLIP ay liban pa sa natatanggap nilang tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Pangkabuhayan Package ng Department of Labor and Employement (DOLE); Educational Scholarship na mula naman sa Department of Education (DepEd); Skills Development Training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Housing Assistance naman mula sa National Housing Authority (NHA).

Facebook Comments