Mas kaunti ang mga Pilipinong sumusunod sa social distancing protocols kumpara sa mga nagsusuot ng face masks at face shields.
Ito ang lumabas sa resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research kung saan 67 percent lamang ng mga Pilipino ang sumusunod sa social distancing.
Mababa ito kung ikukumpara sa 91 percent na Pilipinong nagsusuot ng face masks at 82 percent na nagsusuot ng face shield.
Ayon sa OCTA, karamihan sa hindi sumusunod sa social distancing kapag lalabas ng mga bahay ang mga adult Filipinos.
Samantala, sa hiwalay na survey na isinagawa pa rin ng OCTA research, 28 percent ng adult Filipinos ang nakakaranas ng emotional problems kagaya ng stress at depression.
Habang mas naging malapit naman sa bawat miyembro ng pamilya ang 73 percent ng 1,000 Pilipinong sumagot sa survey ngayong panahon ng lockdown dahil sa COVID-19.